Alerto sa Panloloko sa Mamimili
Huwag magpadala ng pera:
- sa isang taong hindi kakilala – magpadala lang ng pera sa mga taong personal mong kakilala!
- para magbayad ng online na pagbili
- sa taong nagsasabing isa siyang kamag-anak na may dinaranas na krisis o emergency na hindi mo pa nakukumpirma
- para sa deposito o bayad sa isang pinapaupahang ari-arian
- para sa anti-virus protection
- para sa isang mystery shopping assignment
- para magbayad ng upa
- para sa isang singil sa credit card loan
- para makuha ang napanalunan sa lotto
- para malutas ang isang problema sa imigrasyon
✓ Huwag kailanman ibigay ang reference number ng transaksyon o mga detalye ng recipient sa kahit na sino maliban sa nilalayong recipient!
✓ Kung may dahilan ka para paniwalaan na biktima ka ng isang scam, HUWAG ITULOY ANG TRANSFER NA ITO, at makipag-ugnayan kaagad sa anti-fraud department ng Ria. Tawagan ang 0800450403 o magpadala ng email sa compliance-nz@riafinancial.com.
✓ Pakitandaan na kapag nagpadala ka ng pera, mabilis itong matatanggap ng benepisyaryo. Kapag na-pay out na ang pera, maaaring hindi ka na mabigyan ng refund ng Ria, kahit pa biktima ka ng panloloko.
I-Follow kami